Magrehistro
Pangalan:

Gitnang Pangalan:

Apelyido:

Kaarawan
Home
Aralin
Pagsasanay
Tungkol sa akin




143. Sa pagkalungayngay mata�y idinilat
Himutok ang unang bati sa liwanag
Sinundan ng taghoy na kahabag-habag
�Nasaan ka, Laura, sa ganitong hirap?

144. �Halina giliw ko�t gapos ko�y kalagin
Kung mamatay ako�y gunitain mo rin,�
Pumikit na muli�t napatid ang daing
Sa may kandong naming takot na sagutin.

145. Ipinanganganib ay baka mabigla
Magpatuloy mapatid hiningang mahina
Hinintay na lubos niyang mapayapa
Ang loob ng kandong na lipos-dalita

146. Nang muling mamulat ay nagitlahanan:
�Sino sa aba ko�t nasa Morong kamay!�
Ibig na iigtad ang lunong katawan
Nang hindi mangyari�y nagngalit na lamang.

147. Sagot ng gerero�y �huwag kang manganib
Sumapayapa ka�t mag-aliw ng dibdib
Ngayo�y ligtas ka na sa lahat ng sakit
May kalong sa iyo ang nagtatangkilik.

148. �Kung nasusuklam ka sa aking kandungan
Lason sa puso moang hindi binyagan
Nakukutya akong di ka saklolohan
Sa iyong nasapit na napakarawal.

149. �Ipinahahayag ng pananamit mo
Taga-Albanya ka at ako�y Persyano
Ikaw ay kaaway ng baya�t sekta ko
Sa lagay mo ngayo�y magkatoto tayo.

150. �Moro ako�y lubos na taong may dibdib
At nasasaklaw rin ng utos ng langit
Dini sa puso ko�y kusang natititik
Natural na leing sa aba�y mahapis.

151. �Anong gagawin ko�y aking napakinggan
Ang iyong pagtaghoy na kalumbay-lumbay
Gapos na nakita�t pamumutiwanan
Ng dalawang ganid ng bangis na tangan.

152. Nagbuntung-hininga itong abang kalong
At sa umaaliw na Moro�y tumugon
�Kung di mo kinalag sa puno ng kahoy
Nalibing na ako sa tiyan ng leon.

153. �Payapa naman disin yaring dibdib
Napagkikilalang kaaway kang labis
At di binayaang nagkapatid-patid
Ang aking hiningang kamataya�t sakit.

154. �Itong iyong awa�y di ko hinahangad
Patayin mo ako�y isang pitang habag
Di mo tanto yaring binabatang hirap
Na ang kamatayan ang buhay kong hanap.�

155. Dito napahiyaw sa malaking hapis
Ang Morong may awa�t luha�y tumagistis
Siyang itinugon sa wikang narinig
At sa panlulumo�y kusang napahilig.

156. Anupa�t kapuwa hindi nakakibo
Di nangakalaban sa damdaming puso
Parang walang malay hanggang sa magtago�t
Humilig si Pebo sa hihigang ginto.

157. May awang gerero ay sa maramdaman
Malamlam na sinag sa gubat ay nanaw
Tinunton ang landas na pinagdaanan
Dinala ang kalong sa pinanggalingan.

158. Doon sa naunang hinintuang dako
Nang masok sa gubat ang bayaning Moro
Sa isang malapad, malinis na bato
Kusang pinagyaman ang lugaming pangako.

159. Kumuha ng munting baong makakain
Ang nagdarakita�y inamong tumikim
Kahit umaayaw ay nahikayat din
Nang sabing malambot na pawang pang-aliw.

160. Naluwag-luwagan ang paghihinagpis
Sapagkat naawas sa pagkadayukdok
Hindi kinukusa�y tantong nakatulog
Sa sinapupunan ng gererong bantog.

161. Ito�y di umidlip sa buong magdamag
Sa pag-aalaga�y nagbata ng puyat
Ipinanganganib ay baka makagat
Ng ganid na madlang naggala sa gubat.

162. Tuwing magigising sa magaang tulog
Itong lipos-hirap ay naghihimutok
Pawang tumitirik na anaki�y tunod
Sa dibdib ng Morong may habag at lunos.

163. Nang magmamadaling-araw ay nahimbing
Munting napayapa sa dalang hilahil
Hanggang sa Aurorang tinaboy ang dilim
Walang binitiwang himutok at daing.

164. Ito ang dahilang ipinagkasundo;
Limang karamdaman parang hinahalo
Ikinatiwasay ng may dusang puso
Lumakas na muli ang katawang hapo.

165. Kaya�t nang isabog sa sansinukuban
Ang doradong buhok ng masayang Araw
Nagbangong hinaho�t pinasalamatan
Sa langit ang bagong lakas ng katawan.

Sa unang pagmulat ng mga mata ni Florante ay una niyang binigkas ang pangalan ni Laura. Hinanap niya ang kasintahan sa gitna ng kahabag-habag na kalagayan. Patuloy siyang nanambitan kaya�t pinayapa ng gererong moro ang kanyang kalooban. Napatda si Florante nang makilala ang nagging tagapagligtas. Natiyak niyang isang kaawang ang kanyang bayaning tagapagligtas. Natiyak niyang isang kaaway ang kanyang bayaning tagapagligtas, isang morong maraming ulit na niyang nakaengkuwentro sa gitna ng mga laban sa digmaan. Ipinaliwanag ni Aladin ang nagging pakay ng pagtulong kay Florante. Nagawa niya itong iligtas dahil sa matinding habag at dahil na rin sa nakaambang kamatayan sa mga gutom na leon. Nag-alangan si Florante sa nagging pagtulong sa kanya ni Aladin. Sa kanilang mga ayos at pananamit, nakatitiyak si Florante na kalaban niya ang gererong moro. Ito�y taga Persiya at siya�y taga Albanya.



Handa ka na ba para sa mga PAGSASANAY? Kung handa ka na, pindutin ito